PINAS

13 Maute members, patay sa Marawi clash

Kinumpirma ng militar na may nasawi na sa panig ng Maute group na umatake sa Marawi city.

Ayon kay Army First Infantry Division Spokesperson Lieutenant Colonel Jo-Ar Herrera, nasa labintatlong Maute members na ang napatay sa nagpapatuloy na bakbakan doon.

Nasa tatlumpu hanggang apatnapu naman ang tinutugis pa kasama si Isnilon Hapilon na sinasabing lider ng grupo.

Dagdag pa ni Herrera, hindi tumitigil sa iisang lugar ang Maute at ginagamit din aniya ng mga ito ang social media para manggulo.

Gayunman, binigyang-diin ng opisyal na walang kontrol sa marawi ang grupo.

Samantala, nasa tatlumpu’t isa naman ang sugatan sa hanay ng militar sa nasabing bakbakan.