PINAS

2 katao inaresto kaugnay ng Manchester blast

Dalawa pang tao ang inaresto ng pulisya na may kaugnayan di’umano sa pagsabog na nangyari sa concert ni Ariana Grande sa Manchester, United Kingdom.

Ayon sa mga otoridad, inaresto ang mga ito sa dalawang magkakahiwalay na lugar.

Nasa kabuuang walong katao na ang nakadetine dahil sa nangyaring pagpapasabog.

Pinalaya na rin ang isang babaeng inaresto kahapon.

Bukod dito, ginalugad din ng mga otoridad ang isang property sa Manchester at nagsagawa doon ng controlled explosion.