PINAS

2 NPA, patay sa sagupaan sa Davao Del Sur

Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army habang sugatan ang isang sundalo matapos magkaengkwentro sa Sitio Datal Pitak, Barangay Colonsabak, Matanao, Davao Del Sur.

Ayon sa ulat, may Focused Military Operation (FMO) ang 39th Infantry Battalion at 10th Infantry Division ng Philippine Army sa lugar nang makasagupa ang hindi matiyak na bilang ng mga rebelde.

Umabot sa apatnapung minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng militar at mga rebelde.

Patuloy ang hot pursuit operation laban sa mga rebelde.