Anim na pasyente ang nasawi habang labing dalawa naman ang patuloy na ginagamot matapos sumailalim ang mga ito sa isang kidney dialysis sa state run Hoa Binh Province General Hospital kahapon.
Pinaniniwalaan na nagkaroon ng anaphylactic shock ang mga pasyente 45 minutes pagkatapos ang naturang dialysis.
Nakaranas ang mga pasyente ng pag susuka, abdominal pain at hirap sa paghinga.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon sa nangyari.
Sa ngayon ay itinigil na ang pagtanggap ng pasyente sa naturang hospital.