Isang anim na taong gulang na bata sa Japan na may talento sa musika ang naging pinakabatang club DJ sa Guinness World Records.
Nakuha ni Itsuki Morita ang bagong rekord na nag-perform sa harap ng maraming tao nang mahigit isang oras, sa edad na anim at sandaan labing-apat na araw.
Pinatugtog ni Itsuki ang professional Pioneer XDJ AERO decks sa magkakasunod na tracks samantalang nagpapasabog ito ng T-shirt cannon sa mga tao.