TINALAKAY kamakailan kung paano pinasisigla ng isang tanggapan ng pamahalaan ang pagsasalin ng teknolohiya para sa kapakinabangan ng sektor ng agrikultura, pangisdaan at likas na yaman ng bansa.
Ang panayam na tinaguriang “Technology to People” o T2P ay inorganisa ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (PCAARRDDOST).
Isinagawa ang T2P sa DOST-PCAARRD Innovation and Technology Center sa Los ng mga piling mamamahayag.
Layon ng panayam na mabilis na mailathala ang mga piling teknolohiya para sa kabatiran ng mga tagapakinabang ng mga ito.
Ang mga teknolohiyang itinampok sa panayam ay na buo mula sa mga pananaliksik na isinakatuparan ng mga katuwang na ahensi ya at pinondohan ng DOSTPCAARRD.
Ayon kay Dr. Melvin B. Carlos, director ng Technology Transfer and Promotion Division ng DOST-PCAARRD, may tatlong pamamaraan ng pagpapalaganap ng mga teknolohiyang ginugulan ng ahensiya. Ang mga to ay ang pagbabahagi (deployment), ekstensiyon (extension) at komersiyalisasyon (commercialization).
Ipinaliwanag ni Dr. Carlos na ang mga teknolohiyang ipinalalaganap sa pamamagitan ng pagbabahagi at ekstensiyon ay hindi kinakailangang mabenta upang ang mga ito ay makilala at magamit ng mga tagapakinabang.
Ang pagbabahagi ay ginagamit sa mga panahong may hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng mga sakuna, mga kalamidad at
silakbo ng sakit at peste. Sa mga panahong ito, ang mga teknolohiyang tulad ng ‘biocontrol technologies,’ mga lahi ng halaman o hayop na may sa peste at sakit para masiguro ang ‘supply’ ng pagkain.
Ang pagbabahagi ay para sa mga teknolohiyang hindi abot-kamay o hindi kayang bilhin ng mga magsasaka at mangingisda, tulad ng mga makina o kasangkapang pang-ani, pagpoproseso, pamisaan at mga narseri.
Pangunahin din itong ginagamit upang tugunan ang mga kinakailangang teknolohiya para sa ‘watersheds,’ panloob na mga katubigan, mga lugar sa baybaying-dagat at mga bahura.
Ayon kay Dr. Carlos, ang ekstensiyon ang pangunahing istratehiyang ginagamit sa pagpapakilala ng mga teknolohiyang nalinang sa tulong ng PCAARRD-DOST at mga katuwang nitong ahensiya. Ang mga teknolohiyang ito ay hindi saklaw ng sistema ng komersiyalisasyon.
Sa halip, ang pagpapakilala sa teknolohiya ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay, tulong-teknikal, alalay sa negosyo sa patnubay ng siyensiya at teknolohiya, proseso ng dokumentasyon at pagpaplano.
Ang komersiyalisasyon ay ginagamit sa mga bagong teknolohiya na mas higit na pakikinabangan ng mga piling industriya sa larangan ng agrikultura, pangisdaan at likas na yaman kung ang mga ito ay dadalhin sa pamilihan.
Kabilang sa mga teknolohiyang isinasailalim dito ay mga teknolohiyang nagtataglay ng pag-aaring intelektu- wal o ang tinatawag na ‘intellectual property.’
Sa pag-iral ng Technology Transfer Act of 2009 (Republic Act 10055), naging masigasig ang PCAARRD-DOST sa larangan ng komersiyalisasyon.
Ipinamalas ng nito ang nasabing istratehiya sa pamamagitan ng pagtatatag nito ng DPITC.
Kapag lubos nang operasyonal ang DPITC, ito ay magsisilbing isang ‘one-stop hub’ para sa mga naglinang ng teknolohiya, mga mamumuhunan at iba pang mga tagapakinabang.
Inaasahang makatutulong ito upang mapabilis ang komersiyalisasyon ng mga teknolohiyang nabuo ng sektor ng agrikultura, pangisdaan at likas na yaman.
Magkakaloob ang DPITC ng serbisyo sa pagsasanay, pag-uugnay, pondo, teknikal at pagpapakilala sa pamilihan. Ayon kay Dr. Carlos, ang mga teknolohiyang handa na sa komersiyalisasyon ay kinabibilangan ng mga makina para sa agrikultura at pangisdaan, mga ‘kit’ para sa pagtukoy ng sakit, pakain sa hayop at isda, ‘biofertilizers,’ produktong pagkain at mga pinabuting lahi ng mga halaman at hayop.