Alam n’yo ba na ang almoranas o ‘hemorrhoids’ ay mga ugat sa puwet na namaga? Ito ay isang pangkaraniwang kondisyon ngunit nakasasagabal sa nakararami.
Dalawa ang uri ng almoranas — isang internal at external hemorrhoids. Magkaiba ang sintomas at paggagamot sa dalawang ito at karaniwangmga nasa edad na 40-60 ang nagkakaroon nito.
Ang mga sanhi ng almoranas ay ang pag-iri nang malalim, pagbubuntis,pagkakaroon ng myoma, pagkakaroon ng prostate para sa mga lalaki, madalas na pagsusuka, kakulangan sa mga pagkaing may fiber at ang pagbubuhat ng mabibigat.
Ayon pa sa mga health expert, walang katotohanan na nakapagdudulotng almoranas ang pagkain ng maaanghang na tulad ng sili at iba pang maaanghang na pagkain.