KAHIT sa Bansang Kaharian ay may mga taong mga ambisyoso. Akala nila, mas marami silang alam kaysa sa akin, kaya nais nila akong pangunahan. Sinabi ko, “Huwag mauna, magkakaaberya kayo.” Patuloy pa rin silang nauuna. Okay, bibigyan ko kayo ng oportunidad. Nais ninyong maging lider? Okay, magiging lider kayo, ako ang ikalawa. Tingnan natin kung ano ang mangyayari.
Handa ba kayong dalhin ang mga responsibilidad ng pinuno na kagaya ko? Handa ba kayo? Dahil marami sa mga tao, ang nakikita lamang nila ay ang karangyaan at kadakilaan ng kapangyarihan. Hindi ko iyan nakikita. Nakikita ko ang responsibilidad. Nakikita ko kung paano ang Kalooban ng Ama ay maipalalaganap. Nakikita ko kung paano darating ang mga bunga at ihaharap sa Kanya. Kayo na ang haharap sa mga problemang darating at sa mga responsibilidad na kaugnay rito. Haharapin ninyo ‘yan sa araw-araw. Handa ba kayo? Bibigyan ko kayo ng isang linggo. Susubukin ko kayo.
MGA PAGPAPALA NG HINIRANG NA ANAK
Mag-ingat na magawa ninyo ang aking nagawa. Kapag hindi ninyo nagawa ang aking nagawa, hahampasin ko ang inyong ulo. Sasabihin ko, “Ambisyoso kayo masyado. Umalis kayo riyan!” Huwag pangarapin ang hindi ibinigay sa inyo. Ang ibinigay lamang sa inyo, iyan lamang ang sa inyo. Ngunit ang hindi ibinigay sa inyo na ibinigay sa akin ang – pagiging pinuno, huwag agawin. Tumabi kayo dahil hindi iyan ibinigay sa inyo. Dahil kung ano ang ibinigay sa akin, iyan ang aking susundin at wala nang iba. At nangyari na ang lahat ng mga pagpapala ay ibinigay sa Hinirang na Anak.
Deuteronomy 28:14: “At huwag kang lilihis sa anuman sa mga salitang aking iniuutos sa inyo sa araw na ito — sa kanan o sa kaliwa, upang sumunod sa ibang mga diyos na paglingkuran sila.”
Ito ay ang kondisyon at iyan ay hindi na umiiral sa akin dahil walang kondisyon na ako’y sumuko. Walang‘kung’ sa akin. Nang ako ay nangako, sinabi ko, “Ang aking puso ay buo na, aking aking isip ay nakapagpasya na,” walang makapagpapabago niyan kahit ang demonyo. Walang tuksong makapagpapabago niyan. Walang panlalansi sa mundo ng masama ang makapagpapabago niyan. Walang pagmamalaki sa buhay, pagnanasa sa laman, pagnanasa sa mata ang makapagpapabago niyan. Tingnan ninyo, kapag sinubok ninyo ako, ang aking katapatan ay nasa Kalooban lamang ng Ama.
ANG PAGPILI NG HINIRANG NA ANAK
Kapag inilagay ninyo ako sa isang sulok, kapag inilagay ninyo ako sa isang pagpili, ang aking pagpili ay palaging pagganap sa Kalooban ng Ama. Kung kailangan nating maghiwalay, maghiwalay tayo. Kung kailangan nating maghiwalay nang dahil diyan, gagawin natin. Kung mawala man sa akin ang lahat dahil sa pagsunod sa Kalooban ng Ama, handa akong gawin iyan. Nasubok na ako niyan sa Tamayong noon. Kumain ako ng saging sa loob ng limang taon. Handa akong kumain ng damo at handa akong mamatay sa pagsunod sa Kalooban ng Ama. Kaya ang demonyong sumubok sa akin doon noon ay susubukin akong muli dahil ibinigay ako bilang isang Anak sa buong sanlibutan, parehong tagpo ang mangyayari, parehong desisyon ang mangyayari.
Kaya hindi na Niya ako sinubok. Kayo na ang sinubokngayon. Ano ang inyong mga puso? Tinuruan ko kayo. Buo na ba ang inyong mga puso? Nakapagpasya na ba ang inyong isip? Iyang ‘no matter what,’ ang ibig sabihin ay idadaan kayo sa apoy.
Ang Ama ay gagawa ng tagpo sa inyong buhay o ang demonyo ay gagawa ng tagpo sa inyong buhay, sa ganyang dahilan kayo ay nabigo at ang demonyo ay magsasabi sa inyo, “Wala nang dahilan upang magsilbi sa Panginoon sa Kaharian. Wala nang makataong pag-iisip na dahilan upang manatiling magsilbi sa Panginoon sa Kaharian. Tingnan ninyo, anong nangyari sa inyo?”
Kagaya kay Job, ano ang inyong desisyon? Ang inyong desisyon ay kagaya sa akin. Sasabihin ninyo sa demonyo, “Kahit anuman ang mangyari, ang aking puso ay buo na.”
“Tingnan ninyo, kinuha ko ang lahat ng inyong mga kaibigan, kinuha ko ang inyong pamilya, kinuha ko ang inyong trabaho. Kinuha ko ang mga posibleng bagay na mahalaga sa inyo. Ngayon, ikaw ay nag-iisa.” Ano’ng gagawin ninyo? “Ang aking puso ay buo na, ang aking isip ay nakapagpasya na.” Magagawa ba ninyo ‘yan? Kapag nagawa ninyo ‘yan, kayo ay mga anak na kagaya ko. Mamanahin ninyo ang lahat ng bagay. Ang Anak ay ang katuparan niyan. Ang Luma at Bagong Tipan.
ANG HULING BAHAY
Haggai 2:8-9: “Ang pilak ay akin at ang ginto ay akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Ang huling kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kaysa sa rati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.”
“Sino ang huling bahay? Ako ang huling bahay. Sino ang dating bahay? Ang bahay na itinayo ni Solomon at ito ay winasak ni Titus, ang heneral sa Roma. Wala itong halaga kahit na ito ay binalot ng tunay na ginto sa loob at labas. Ito ay walang halaga dahil ito ay gawa ng mga kamay. Ngunit itong huling bahay, ako, ang Anak, ang Hinirang na Anak, kung saan ay naninirahan ang Ama ay mas lalong dakila kaysa sa rati sabi ng Panginoon ng mga hukbo at ang dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan…”
Kaya, sa mga taong nais na magbigay sa akin ng aberya, patawad nalang sa inyo. Ang kapayapaan ay susunod sa akin sa lahat ng araw ng aking buhay.
Itong mga komunistang walang Diyos ang ideolohiya, palaging gumagambala sa atin. Pagpunta roon sa bundok, inuudyukan ang mga wala ring alam pagkatapos ay mangangambala dahil mangingikil. Huwag ninyo kaming takutin sa mga ganyan. Kaaway ninyo ang Ama niyan. Akala ninyo, matatakot ang ibang tao sa inyo. Kapag kinakalaban ninyo ako, kinakalaban ninyo ang Diyos sa langit. Palagi kayong hinahanap, kalaban ninyo ang mga sundalo ng gobyerno dahil kinakalaban ninyo sila.
(Itutuloy)