Huwag ninyong subukin ang kapangyarihan ng Panginoon, mamamatay kayo niyan. Kayong mga walang Diyos, na ang iba ay nasa communist movement, nalilinlang lamang kayo. Naniniwala kayong may Diyos ang lider ninyo ngunit wala iyang Diyos.
Pagkatapos, magsusuot ng damit ng NPA at panginginigin ang mga tao sa takot dahil NPA. Ganyan kayo maglagay ng takot sa akin? Hindi ganyan kababaw ang aking pagkatao at ang aking prinsipyong kinatatayuan. Mas matatag pa ang paninindigan ko kaysa sa kay Rizal. Magpapakamatay ako sa aking paninindigan.
Basta’t tama ako, huwag ninyong subukin, tapos kayo nasa mali? Pagkatapos tatakutin ninyo ako? Para kayong mga kaluluwang hindi napipinsala. Anong kinain ninyo sa bundok? Tuyo at bagoong. Ano ang inyong tinutulugan? Nakaupo lang kasama ng mga lamok. Pagkatapos, pupuntahan ninyo ako upang takutin? “Naghihirap kami para sa mamamayan!” Kalokohan iyan! Kung naghihirap kayo para sa mga mamamayan, dapat naging pareho kayo sa akin.
Tingnan ang mga taong aking tinulungan. Ang paaralang aking itinayo ay 70% scholars lahat, full scholars. Dahil naghihirap ako noong ako ay bata ngunit hindi ako naging mapait. Inilagay ko ang aking sarili sa buhay ng bawat bata. Sa unang panahon, inaapi kami ng intsik sa bundok dahil napakahirap namin. Pupunta ako sa kanila at maghihintay upang bigyan ng bigas, hindi ako bibigyan hanggang sa maawa nalang sila sa akin.
KABUTIHANG HINDI MAWAWAGLIT SA ISIP
Kung pareho ako ngutak ninyo, magtatanim ako ng poot, kukuha ako ng baril, “Kayong mayayaman, babarilin ko kayong lahat.” Hindi ko ‘yan ginawa. Ang pumasok sa akin ay pag-ibig ng Ama at sasabihin ko, “Ama, kung pagpapalain Ninyo ako, itong mga kabataang nakikita ko, tutulungan ko sila.” Kaya mayroon akong Children’s Joy Foundation dahil ayokong lumaki sila na may poot. Nais kong magkaroon sila ng kabutihan kahit kaunti lang upang maging kapareho ko sila dahil kapagmay taong nagpakikita sa akin ng kabutihan, hindi iyon nawawaglit sa aking isip.
Kaya natawag ang pansin ko ng mga bata ay dahil sila ang kinabukasan ng Pilipinas. Sila ang kinabukasan ng mundo. Kung maaari kong makalinga ang mga bata sa takot sa Panginoon, sinabi ng Bibliya, “Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.” Tinutupad ko ‘yan dahil sa pagmamahal ko sa bansa dahil sila ang mga henerasyon sa kinabukasan na kapag naipakita ko ang kabutihan at kabaitan sa kanila, hindi sila sasandal sa droga. Hindi sila sasandal sa mga komunista na may ideyolohiyang walang panginoong poot. Sila ay magiging magaganda at mabubungang mamamayan ng bansa.
ANG KEEPER’S CLUB INTERNATIONAL
Kaya namuhunan ako sa kabataan. Ako ang lider na namuhunan sa kabataan. Kaya mayroon akong Keeper’s Club International. Ano ang Keeper’s Club? Sinasaklaw nito ang mga estudyante sa kolehiyo, sa high school at mga out-of-school youth. Bakit ko sila sinasaklaw? Upang madala ko sila sa kawan ng tupa ng Bansang Kaharian. Bakit? Upang turuan ko sila ng katuwiran, palalapitin ko sila at sasabihin sa kanila na mayroon pang mas magandang buhay kaysa sa droga. May mas magandang buhay pa kaysa sa krimen. May mas magandang buhay pa kaysa sa ideyolohiyang iyan na walang panginoong bumibitag sa inyo.
Sa halip na manood ng porno araw-araw, sa halip na magbisyo sa bawat araw, sila ay naging makatuwiran. Sila ay naging mga mamamayang miyembro ng Sundalo ng Kabutihan. Ngayon ay inookupa na natin hindi lang ang Pilipinas, kundi maging ang mga paaralan at unibersidad sa buong mundo.
Alam ba ninyong sa Ukraine, sinabi nila sa akin, na may drug addiction sa mga kabataan. Mayroon doong parang shabu rito sa Pilipinas ngunit may kaibahan nga lang. Isa sa mga sangkap nito ay ang dumi ng manok. Ganyan ba talaga kahirap ang Ukrain, ang dumi ng manok na ang ginawang droga?
We have the Keeper’s Club International and it is now very active in Ukraine. Not only there, inaabot natin ang mga kabataan sa mundo. Huwag ilahok ang sarili sa mga aktibidad na nakamumuhi. Huwag ilahok ang sarili sa mga drogang sisira sa inyo.
Mula sa pagkabata sa Children’s Joy, tinuruan sila sa daan ng Ama. Tuturuan namin sila sa daan ng Dakilang Ama. Kapag sila ay lumaki sa paaralan, halimbawa, sila ay kinalinga at kapag sila ay lumaki, mayroon silang college degrees at marami sa kanila ang nagdesisyong maging Full-Time Miracle Workers upang isulong ang Kaharian ng katuwiran ng Panginoon sa lupa ngayon.
ANG KADAKILAAN NG HULING BAHAY
Kaya ang Kadakilaan ng Ama sa huling bahay ay mas dakila kaysa sa una. Ang kadakilaan ng unang bahay (dahil ito ay itinayo sa mga kamay)ay ginto, “Wow! Ginto!” Ngunit ito ay hindi makapagtuturo sa inyo ng katuwiran. Masasabi lang ninyo, “Wow, Ginto!” Ngunit nasaan ang katuwiran ng Panginoon? Ngunit ang bahay ng Hinirang na Anak, ang residente at “walking-talking” na Kalooban ng Ama na makagagabay sa mga tao papunta sa landas ng katuwiran, na makagagabay sa mga tao ng tunay na pagbabago sa loob. Ang aking batas ay mas higit pa sa mga batas sa anumang bansa. Ang mga ito ay espirituwal na batas na makapagpapabago sa inyo sa loob.
2 Mga Taga-Corinto 8: 9: “Sapagkat nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo, na bagaman siya’y mayaman, gayunma’y nagpakadukha dahil sa inyo upang sa pamamagitan ng Kanyang karukhaan ay magsiyaman kayo.”
Nakita ninyo? Sasabihin ng iba, “Ikaw ay Anak ng Panginoon, naniwala ako riyan. Ngunit ang hindi ko maunawaan ay ang hindi maipaliwanag na kayamanan.”
Basahin ang Deuteronomy 28:1-14. Hindi siya nanatiling mahirap. Siya ay bumalik sa langit kung saan Siya nanggaling, bilang Salita ng Panginoon, Siya ay ang Panginoon na gumawa ng lahat ng mga bagay. Pinagmamay-ari Niya ang lahat ng pilak at ginto. Pinahiram lamang Niya ito sa mga Bangko Sentral sa bawat bansa ng mundo. Isang araw, babawiin ko ang lahat ng mga iyon dahil gagamitin ko ang mga ito para sa kaluwahatian ng Ama. Kaya kayong may mga ginto ngayon, dahan-dahan ninyo nang isuko ang inyong mga kaluluwa. Tingnan ang ministeryo ng demonyo.
Juan 10:10: “Hindi pumaparito ang magnanakaw, kundi upang magnakaw at pumatay at pumuksa: Ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay at magkaroon ng kasaganaan nito.
Iyan ang ginawa ni Satanas kay Adan, ang ating unang magulang. Kanyang ninakaw ang Pagkaanak at Pagkahari at kanyang pinatay ang kaluluwa at sinira ang relasyon niya sa Ama. Ngunit ang Anak…
“Ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay at magkaroon ng kasaganaan nito.”
(Itutuloy)