ILAN na sa Brazilians, Ukrainians, Ecuadorians, Americans ang pumasok sa Kaharian ng Dakilang Ama at nagbago ng kanilang mga ugali sa loob at ngayon ay mga binhi na ng katuwiran sa kanilang sariling bansa? Milyun-milyon na sila.
Kaya nagdadala tayo ng mga pagpapala sa lahat ng bansa sa mundo. Pinahiram ko sila. Pinadalhan ko sila. Hindi ako maramot na hahayaan ko na lang na manatili lamang ang mga misyonaryo rito. Nagpadala ako ng mga manggagawang misyonaryo upang ang mga tao roon ay maturuan sa pagpasok sa Kaharian at pagkatapos ay maraming magsisisi sa kanila katulad sa atin. Mawawala ang problema ng kanilang pamahalaan doon. Kaya kayong mga tao sa mga bansa ng mundo ay magpasalamat kayo sa Ama kung may isang misyonaryong taga-Kaharian na dumating sa inyong bansa dahil pinahiram ko sila sa inyo. Sila ang mga binhi ng katuwiran ng Ama sa inyong mga bansa. Hindi sila magpapalaganap ng droga o krimen. Sila ay magpapalaganap ng katuwiran, kabutihan, kabaitan at kaligtasan. Sila ay nagbago na sa loob at pagkakaroon na ng kaligtasan ang kanilang mga kaluluwa.
AKO ANG NAGPAPAHIRAM AT HINDI NANGHIHIRAM
Iyan ang problema ni Pangulong Trump sa Mexico. Sinabi niya sa kanila, “Kayong mga Mexican, nagpapadala kayo ng pinakamasasamang tao rito. Mga drug addict, kidnapper at mga rapist. Isasauli ko silang lahat sa inyo.” Hindi masasabi ‘yan ni Trump sa akin dahil ako ay nagpapadala ng aking pinakamagaling mula sa magagaling sa kanilang
bansa. Mga ministro ng Ebanghelyo ng Kaharian na nananawagan sa mga tao na sumuko sa kanilang sariling kalooban sa Dakilang Ama at sumunod sa Kanyang Kalooban upang ang bansa ay pagpalain. Hindi ako nanghihiram doon, ako ang nagpapahiram sa kanila. Ang pera ay isang pinakamaliit lamang na kalakal na ipahihiram. Maaari ninyong ipahiram ang tao. Ang pinakamagaling mula sa magagaling ay magiging pagpapala sa mga bansa. Ipinadala ko ang pinakamagaling mula sa magagaling sa Ukraine at pagkatapos, kapag may mga kapatirang mga Ukrainian na dumating dito sa bansa, sinasanay natin sila at kapag ibinalik natin sila sa kanilang bansa, sila ay may pagbabago na sa loob. Sila ay mga anghel na sa loob. Mula sa mga demonyong nasa loob nila, sila ay naging mga anghel dahil dito sa Bagong Herusalem, sila ay gawing banal, sila ay gawing malinis, sila ay susunod sa Kalooban ng Ama at kapag sila ay pinadala pabalik sa kanilang bansa, kanilang ipalalaganap ang katuwiran ng Ama sa pamamagitan ng Hinirang na Anak sa kani-kanilang mga lugar. Itong mga umuusig, namumuna sa akin, ano ang ginagawa ninyo? Ginagawa rin ba inyo ang katulad ng ginagawa ko? Binabago ba ninyo ang mga tao patungo sa katuwiran? Kapag hindi ninyo ‘yan nagawa, wala kayong karapatang pumuna sa akin dahil ako ang pinakamaespirituwal na tao. Alam ba ninyo na ang Salita ng Panginoon ay nagsabi, na ang espirituwal na tao ay humuhusga sa lahat ng bagay ngunit siya sa kanyang sarili ay hindi hinuhusgahan ng sinuman.
AKO AY ULO AT HINDI BUNTOT
Deuteronomy 28:13: “At gagawin ka ng Panginoon na ulo at hindi buntot at ikaw ay magiging sa ibabaw lamang at hindi ka mapasasailalim; kung iyong didinggin ang mga utos ng Panginoon mong Diyos, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na iyong susundin at gagawin;” Hindi ako buntot. Ang pangako ng Ama, ako ay magiging ulo. Kaya walang tao sa mundo ang nais na magmay-ari sa akin. Hindi ninyo kailangang gawin ‘yan. Kapag ninais ninyong ariin ako, kayo ay nasa kaguluhan. Kung may sinumang tao na nagnanais na gagamitin o aariin ako, kayo ay nasa malaking kaguluhan. Dahil mayroon lamang isang nagmamay-ari sa akin — ang Ama. Mayroon lamang isang maaaring gumamit sa akin — ang Ama. Kung sinumang tao na magnanais ng aking papuri, kayo ay nasa kaguluhan. Dahil kapag pinuri ko kayo, kayo ay nasa kaguluhan at maaari ring nasa kaguluhan din ako. Dahil mayroon lamang isang kautusang pupurihin ko lamang ang Dakilang
Panginoon sa langit — ang ating Panginoong HesuKristo. Siya lamang ang nag-iisang may karapat-dapat ng papuri ng Anak at ng mga anak na lalaki at anak na babae ng Dakilang Ama. Kaya hindi ako nagpupuri ng tao. Maaari ko kayong ituwid. Kapag nais ninyong humiwalay ako sa inyo, kapag nais ninyong lumayo ako mula sa inyo, magsisimula akong pumuri sa inyo. Ang Ama ang maghihiwalay sa iyo mula sa akin. Kapag nais ninyong maging malapit sa akin, tanggapin ninyo ang aking mga pagtutuwid, ang aking mga disiplina at magpakumbaba. Kayo ay magiging
mas malapit sa akin dahil iyan ang paraan ng Ama para sa mga taong ilalapit sa akin. Ang gulong ng kapalaran ng tao minsan ay nasa ibabaw, minsan ay nasa ibaba, minsan ay nasa Kanluran, minsan ay nasa Silangan.
Ngunit sa akin ay hindi. Nasa ibabaw lamang ako palagi sa lahat ng mga araw ng aking buhay. Kaya kung sinuman ang nagnanais sa akin na magpasailalim sa kanila, kayo ay nasa kaguluhan na naman. Huwag ninyong subuking sasailalim ako sa inyo dahil magkakaroon kayo ng kaguluhan sa Ama niyan. Dahil ang pangako Niya sa akin, “Anak, magiging ibabaw ka lamang, hindi ka mapasasailalim.” Tingnan ninyo ang pangako sa akin ng Ama, ang langit at lupa ay pagmamayari Niya. Pagkatapos, narito ang mga taong hindi nakakikilala sa akin na nais nila akong sumailalim sa kanilang mga paanan. Nais nila akong tirisin. Tanggap ko iyan kung iyan ang pangako sa akin. Kung sasabihin sa akin ng Ama, “Sasailalim ka palagi, Anak.” Ngunit sinabi Niya, “Ikaw ay magiging sa ibabaw lamang at hindi ka mapasasailalim.” Huwag ninyo iyang baguhin dahil masasailalim kayo sa kaguluhan.
(Itutuloy)