Ang hugis ng isang kalapati at ang boses ay mga manipestasyon ng Omnipresenteng Diyos. Ang hugis ng kalapati ay isang nakikitang manipestasyon samantalang ang boses mula sa kalangitan ay ang naririnig na manipestasyon na siyang nagsasagisag ng parehong
espiritu na siyang si Kristo.
Gamitin natin ang sasakyan bilang halimbawa. Binubuhay mo ang makina kapag paaandarin mo na ang sasakyan. Ito ay nagbibigay ng ingay at ang tambutso ay lumilikha ng usok. Mayroon bang isang makina para sa ingay at isang makina para sa usok? Wala. Mayroon
lamang isa ngunit may dalawang manipestasyon ng makina. Ito ang usok at ingay ng makina.
Sa panahon ni Moises, nang makita niya ang nag-aapoy na palumpong; ilang manipestasyon ang nandoon? Dalawa — ang naririnig at nakikita. Nakita niya ang nag-aapoy na palumpong. Ito ay nakikita. At narinig niya ang isang boses, “Moises, hubarin mo ang iyong
panyapak sa iyong mga paa sapagkat ang dakong iyong kinatatayuan ay banal na lupa.” Ito ay naririnig. Ito ang manipestasyon ng Diyos. Sila ay hindi dalawang magkaiba, magkahiwalay na mga persona; kaya nga si Juan ay nagpatotoo na nagsabi, “Nakita ko ang
Espiritu na bumababang tulad ng isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya. At siya’y hindi ko nakilala; datapuwa’t ang nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ay siyang nagsabi sa akin, ‘Ang makita mong binabaan ng Espiritu at manahan
sa kanya ay siya nga ang nagbautismo sa Espiritu Santo. At aking nakita at pinatotohanan kong ito ang Anak ng Diyos.” (Juan 1:32-34).
ANG KABUUAN NI KRISTO
Si Hesu Kristo ay napatunayang nagbautismo sa Espiritu Santo. Paano Siya magbabautismo sa Espiritu Santo kung Siya ay hiwalay at kaiba mula sa Espiritu Santo? Kung may tatlong magkakahiwalay, magkakaibang sentro ng emosyon at pag-iisip, lahat ng ito ay
manipestasyon ng iisang espiritu, iisang Diyos.
Ang naririnig at nakikitang manipestasyon ay naganap din sa Araw ng Pentecostes sa mga disipulo.
Mga Gawa 2: 1-4:
“At nang dumating nga ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nangagtipon sa isang dako. At biglang duma ting mula sa langit ang isang ugong na gaya ng sa isang humahagibis na hanging ma lakas at pinuno ang buong bahay na kanilang kinauupuan.
At sa kanila’y may nagpakitang mga dilang kawangis ng apoy, na nagkabaha- bahagi at dumapo sa bawat isa sa kanila. At silang lahat ay na ngapuspos ng Espiritu Santo at nangagpasimulang magsa lita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu
na kanilang sinalita.”
Iyan ba ay naririnig o nakikita? Ito ay nakikita. At sila ay nagsalita ng iba’t ibang wika. Ito ay naririnig. Ilang mga espiritu ang dumapo sa mga disipulo? Isa sa naririnig at isa sa nakikita. Iyon din ang espiritu na makapagmamanipesto sa sarili sa
lahat ng panahon, naririnig man o nakikita. Mayroon tayo ngayong mas mainam na pagunawa.
Pag-aralan natin ang kabuuan ng Diyos. Ang Diyos ay Espiritu at ang Espiritu ay may Salita. Narinig ba ninyo ang Salita? Nakikita ba Ninyo ang Salita? Hindi ninyo nakikita ang Salita; naririnig ninyo ang Salita. Nakikita ba ninyo ang Espiritu? Hindi,
dahil ito ay hindi nakikita.
ANG DIYOS AY ESPIRITU
Sa Lumang Tipan, ang Diyos ay isang Espiritu (Juan 4: 24). Ito ay hindi nakikita; hindi nahahawakan ngunit Siya ay may Salita (Juan 1:1). At inyong maririnig ang Salita (Isaiah 55:10-11).
“Sapagkat kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niyebe ay mula sa langit at hindi bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman at nagbibigay ng binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain; magiging gayon ang
aking salita na lumalabas sa bibig ko — hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.”
Ipinadala Niya ang Ka nyang Salita. Ang utusan ng Ama ay ang Kanyang Salita. Ang Salita ay maaaring marinig ngunit hindi maaa ring makita. Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag.” Naganap ang Salita. Ang Salita ay lumikha ng liwanag. “Magkaroon ng kaligtasan.”
Lumikha ang Salita ng isang katawan. Kaya Siya ay nagsasalita ng mga bagay para sa kaganapan.
Mateo 1:18-21:
“Ang pagkapanganak nga kay Hesu Kristo ay ganito: Nang si Maria na Kanyang ina ay mag-asawa kay Jose, bago sila nagsama ay nasumpungang siya’y nagdadalantao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. At si Jose na kanyang asawa, palibhasa’y lalaking ma tuwid at
ayaw na ihayag sa madla ang kanyang kapurihan ay nagpasyang hiwalayan siya nang lihim. Datapuwa’t samantalang ini isip ito ni Jose, ang isang anghel ng Panginoon ay nagpakita rito sa panaginip, na nagsabi, ‘Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa
pagtanggap kay Maria na iyong asawa sapagkat ang kanyang ipinagdadalantao ay sa Espitu Santo. At siya’y manganganak ng isang lalaki at ang pangalang itatawag mo sa kanya ay JESUS; sapagkat ililigtas niya ang Kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”
Bago pa man ikinasal sina Jose at Maria, si Maria ay nagdadalantao na. Kapag nag dalantao na ang iyong asawa bago kayo ikasal, ano ang iisipin mo? “Hindi pa nga kami naikasal, nagdadalantao na siya, ano’ng nangyari?” Noon, dahil isang kagalang-galang
na tao si Jose, sinubukan niyang hiwalayan si Maria nang pribado. Ngunit nang gabing iyon, isang anghel ang nagpakita sa kanya sa kanyang panaginip at nagsabi, “Jose anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa; sapagkat ang
kanyang ipinagdadalantao ay sa Espiritu Santo.”
Sino ang ama ng bata? Ang Diyos Ama, Diyos Anak, Diyos Espiritu Santo. Ngayon, nariyan ang Anak, nariyan ang Ama, nariyan ang Espiritu Santo. Maipakikita ba ninyo ang tunay na ama? Sino ang tunay na ama — ang unang persona o ang pangalawang persona? Sabihin
sa akin, mga Trinitarian, lahat kayong naniniwala sa tatlong diyos na paniniwala. Ito ay isang malaking problema sa kanila dahil naniniwala sila na ang unang persona ay ang Ama ng ikalawang persona, hindi ang pangatlong persona. Ngunit sa Mateo 1:21,
ang Espiritu Santo ang Ama. Bakit? Dahil ang Espiritu Santo ay ang Espiritu ng Diyos na naging Ama.
Ang Espiritu Santo ay naging Ama sa Bagong Tipan. Sa Bagong Tipan, ang Espiritu ang naglikha sa anak. Kaya ang Espiritu, naging Ama at ang Salita ay maaari nang marinig.
Juan 1:14: “At nagkatawang- tao ang Verbo at tumahan sa gitna natin.”
At ating namasdan ang Kanyang kaluwalhatian; ang kaluwalhatian bilang Bugtong na Anak; na naging Anak ng Ama na puno ng kabutihan at katotohanan. Ang Salita ay mayroon nang katawan. Kaya sa halip na tatawaging Salita ng Diyos, ngayon ito ay Anak ng Diyos.
1 Juan 1:1, Ang katawan ay ang Anak. Ang pinanggalingan ay siyang sa Espiritu o sa Ama. Na siyang mula sa simula ay Salita na naririnig lamang natin noon. Na nga yon ay atin nang nakikita.
Ngayon, kayo ay malaya na mula sa tatak ng halimaw, malaya na mula sa binhi ng serpente.