Pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Sa departure speech ni duterte bago magtungo ng cambodia, sinabi nitong si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of staff General Eduardo Año ang bagong hepe ng dilg.
Magreretiro si Año bilang hepe ng AFP sa Oktubre saka magsisilbi bilang DILG secretary.
Papalitan nito ang pinagbitiw sa pwestong si Mike Sueno na naharap sa alegasyon ng korapsyon.
Samantala, pinirmahan na rin ni Duterte ang appointment papers ni Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Si Cayetano ang naging runningmate ni Duterte sa nagdaang eleksyon.