Ligtas ang American singer na si Ariana Grande matapos ang pagsabog sa kanyang concert sa Manchester Arena sa England.
Ayon sa tagapagsalita ni Ariana, hindi nasaktan at nasa maayos na kalagayan ang singer ngayon.
Nagpaabot naman ng pakikiramay at simpatya sa mga biktima ng trahedya ang mga international celebrity kabilang na sina Katy Perry, Taylor Swift, John Legend, ed Sheeran, Bruno Mars, Dwayne Johnson at iba pa.
Nasa England ang singer bilang bahagi ng kanyang ‘Dangerous Woman Tour’.