Inamin ng aktor na si Arjo Atayde na naging emosyonal siya at iniyakan ang pagkamatay ng kanyang karakter na si Joaquin sa hit serye na kinabibilangan nito.
Say ni Arjo, masakit para sa kanya ang magpaalam sa teleserye kung saan naging bahagi siya nito sa loob ng dalawang taon.
Anya, hindi niya makakalimutan kanyang karakter na napamahal na sa kanya.
Pinanood ni Arjo ang last episode ng kanyang karakter sa primetime serye kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.
Lubos din ang pasasalamat ng aktor kay Coco Martin na siyang bida ng teleserye.