PINAS

ASG: No match sa AFP

Kung aanalisahin ang bagong accomplishments ng AFP laban sa mga bandidong Abu Sayyaf, wala nang kakayahan pa ang grupong ito na makapaghasik ng kaguluhan sa mga lugar na malayo sa kanilang teritoryo.

Napaulat kamakailan na aabot sa 20 miyembro ng ASG ang nasawi bunsod nang sunud-sunod na airstrike operation ng Philippine Air Force (PAF) sa pangunguna ng 4th Special Forces Battalion na armado umano ng night fighting capability sa kuta ng mga bandido saSumisip, Basilan.

Ayon sa ulat, nataranta at nagtakbuhan ang mga bandido nang masorpresa ang mga ito ng serye ng airstrike gamitang FA-50 fighter jets. Sa ganitong paraan, naniniwala ang ating mga kababayan na maitataboy at mahihirapan nang makapag-regroup ang mga bandido kung palagi silang pauulanan ng missiles.

Inihayag naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatuloy ang ginagawang pambobomba sa mga kuta ng ASG, hanggang sa madurog ang mga ito. Naniniwala rin ang pangulo na ang illegal drugs ang nagpapaigting sa terorismo sa mga lugar na pinaghahasikan ng kaguluhan ng mga bandido.

Nagsisilbing ‘gasolina’ umano ang iligal na droga sa pagpapaigting ng terorismo ng mgat eroristang sangkot sa illegal drug trade, ayon pa sa punong ehekutibo.

May lumabas ding ulat na nakipag-alyansa umano ang Maute rebel group sa IS,na ang pondong kanilang ginagamit sa iligal na aktibidad ay galling umano sa illegal drug trade.

Dahildito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagbaril sa mga rebeldeng mamamataan ng mga kawal ng pamahalaan. Huwag aniyang sasantuhin ang mga bandidong pumeperwisyo sa mga turistang dumadayo sa ating bansa.

“It is a problem of security, law and order. Kapag nag-engkuwentro kayo (ng mga bandido) patayin mo na,”galit na turan ng pangulo.

Samantala, napaulat na may pitong (7) aktibong miyembro umano ng ASG ang sumuko sa mga awtoridad. Nangyari ang pagsuko sa Luuk, Sulu.

Napag-alaman mula sa mga sumukong ASG member na natakot na ang mga ito matapos ang pagkamatay ni Misaya sa military operations at marami na rin sa mga kasamahan nila ang nauna nang sumuko.