Ikinuwento ng isang hiker ang pagkaligaw niya ng isang linggo sa kagubatan ng Montana.
Natagpuan sina Madeline Connelly, 23 at ang kanyang asong si Mogi ng mga tagapagligtas na nangangambang baka sinusubaybayan ang mga ito ng mga grizzly bear.
Naglakad-lakad umano si Connelly at ang kanyang aso nang mahabang oras sa Great Bear Wilderness nang hindi na nito matandaan ang daan.
Aniya, wala siyang ibang dala kundi ang kanyang suot na damit, aso at tali nito at ang susi ng kanyang sasakyan.