Nagising ang isang babae sa Pennsylvania sa isang hindi pamilyar na tanawin matapos ang isang gabing inuman sa Lamp Post, kung saan ay nagdesisyon itong maglakad na lamang papunta sa bahay ng kamag-anak na malapit sa naturang establisimiyento.
Lumakad umano nang mahigit isang milya si Allison Marie Plusquellic, 36, mula sa Lamp Post bago pumasok sa isang bahay sa pamamagitan ng bintana at natulog sa nakitang higaan doon.
Tulog pa si Plusquellic nang matagpuan ng mga pulis sa naturang bahay matapos itong isumbong ng may-ari; kinasuhan ito ng kasong burglary dahil sa panghihimasok sa pagpasok sa ibang bahay.