Matapos ang kanyang landslide victory, pormal nang nanumpa sa pwesto ang bagong pangulo ng South Korea na si Moon Jae-In.
Sa kanyang talumpati, idineklara ni Moon ang kahandaan niyang bumisita sa North Korea kahit pa matindi ang tensyon doon.
Kasama sa kanyang campaign promise ang pakikipag-negosasyon sa North Korea para na rin sa kapayapaan ng rehiyon.
Itinalaga ni Moon bilang Prime Minister si Lee Nak-Yon, isang dating mamamahayag at mambabatas.
Pinalitan ni Moon ang naimpeach na si Park Geun-Hye na nasangkot sa mga alegasyo ng korapsyon.