Umaasa ang bayan ng Talavera na muling makamit ang Seal of Good Local Governance o SGLG ngayong taon.
Ito ay matapos magtungo sa bayan ang Regional Assessment Team (RAT) sa pangunguna ni Local Government Operations Officer (LGOO) IV Deborah Mangayan ng Zambales kasama si LGOO III Levy Swing ng regional office kasama ang mga kinatawan ng CSO-outreach Philippines Inc., na sina Emily Garubo at Ms. Amy Salazar at si LGOO V Karla Naldine Cucal ng NE Provincial Office upang magsagawa ng 2017 SGLG assessment.
Dumalo sa ginawang assessment ay sina Talavera Mayor Nerivi Santos Martinez at Vice-Mayor Junjun Rodiel, ang mga miyembro ng sangguniang bayan at lahat ng department heads ng munisipyo.
Nagsagawa ng evaluation ang RAT sa competency level ng bayan base sa apat na core areas – ang good financial housekeeping, social protection, disaster preparedness, peace and order; at ang business-friendliness and competitiveness, environmental management at tourism.