PINAS

Binay, ‘di naghain ng plea sa conditional arraignment 

PRES. DEBATES/FEBRUARY 21, 2016 Presidential debates held in Capitol University in Cagayan de Oro City with VP Jejomar Binay. INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Sumailalim sa conditional arraignment sa Sandiganbayan Third Division si dating vice president Jejomar Binay.

Ito ay may kaugnayan sa kasong graft at malversation sa umano’y maanomalyang Makati City Hall Building Two.

Ang nasabing conditional arraignment ay kailangan para mapagdesisyunan ng korte ang hirit ni Binay na magtungo ng israel para sa isang pilgrimage tour.

Hindi naman naghain ng anumang plea si Binay.

Kahapon ay ibinasura ng Sandiganbayan ang modification ng conditional arraignment ng kampo ni Binay para sa nasabing biyahe.