Sinalubong ng mga taga-Brgy. Malasin ang pagdating ng K-Outreach Program upang makinabang sa mga libreng serbisyong hatid ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Jose.
Nagkaroon ng pamamahagi ng libreng reading glasses kung saan halos isangdaan at limampung katao ang nakatanggap.
Nagkaroon din ng pagbibigay ng libreng konsultasyon, libreng gamot, libreng bunot ng ngipin, at pagpoproseso ng sanitary health certificate na isinasagawa ng city health office.
Namigay din ng libreng bitamina at pampurga sa mga alagang hayop at bakuna kontra rabies na handog naman ng city veterinary office.
Patuloy naman ang city nutrition office sa pamimigay ng mga produktong may Sangkap Pinoy Seal (SPS) at iodized salt.
Ilan pa sa mga tanggapang kasama sa K-Outreach ay ang CENRO at city agriculture office na nagbigay ng punlang puno, buto at punlang gulay at marami pang iba.