Tinawag umanong isang ‘lazy’ at ‘brilliant’ ang isang poster na ginawa ng isang British designer para sa pub ng kanyang kaibigan dahil sa disenyo nitong smartphone conversation.
Kumalat sa internet ang isang photo ng poster na lumabas na isang konbersasyon ng text message sa pagitan ng designer na si Dave Blackhurst at ang kaibigan nitong si Tom Hughes, na nagtatrabaho sa Friars, na isang pub.
Kabilang sa lumabas na konbersasyon sa text message ang pagpapagawa ni Hughes kay Blackhurst ng poster at mga listahan ng mga bandang tutugtog sa naturang pub.