PINAS

Claudine, Pokwang sanib-puwersa laban sa senador

ISA si Claudine Barretto sa mga artistang single parent, kaya naman nag-react  siya sa naging pahayag ni Senator Tito Sotto sa single parent na si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo na sinabi nito sa ginanap na Senate hearing ng Commission on Appointments (CA). Para kay Claudine, may dalawang anak mula sa dati niyang mister na si Raymart Santiago na sina Sabino at Santina, foul ang naging pagtrato ng senador  sa kalihim.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Claudine ng ganito: “Senator Tito Sotto, I am a single mother of 2 and I’m proud of myself and I have so much respect para sa lahat ng single mothers na tumatayong nanay at tatay. Para sa akin, bayani ang single mothers, wala ho kaming day off, suweldo o benefits bilang isang single mother. Ninong namin kayo ni Raymart sa kasal, so siguro naman po alam ninyong  hindi ako NAANO LANG!!!”

Ang isa pang single parent na nasaktan sa sinabi ng senador ay ang komedyanang si Pokwang. Sa kanyang Twitter account ay sinabi niyang: Hindi po ako naano lang! Naging single mom ako, kasi wala pong ????? ang lalaking minahal ko! Pero binuhay ko nang marangal ang mga anak ko!”

Aware naman si Sen. Sotto na marami ang nag-react sa kanyang statement, kaya naman agad siyang humingi  ng dispensa sa mga single parent at iba pang nasaktan niya.  Pero iginiit niya na joke lang daw ‘yun.

Sabi ng senador, “Ang premise ko, sabi ko nga, in the street language, ‘di ba? ‘Yun ang biruan sa kalsada. That’s why kung minasama nila, I’m sorry, I apologize. They don’t understand the joke. It’s a common expression as a joke, but then again, I said, if they feel offended, then I’m sorry, I’d like to apologize for that.”