Nauwi sa isang malaking trahedya ang isinagawang concert ni American pop star na si Ariana Grande sa Manchester Arena na kung saan nag-iwan ng 22 kataong patay habang 59 katao ang sugatan.
Sinabi ng ilang nakasaksi sa pangyayari na dalawang malakas na pagsabog ang kanilang narinig mula sa foyer o sa entrance hall ng concert venue.
Pinagbawalan muna ngayon ang mga residente sa London na lumapit sa Manchester Arena dahil patuloy pa na iniimbestigahan ng pulisya kung ano ang tunay na dahilan ng pagsabog.
Bagamat magkaiba ang pahayag ang binitawan ng mga tagahanga ng 23-year-old pop star, pinaniniwalaan ng North West Counter Terrorism Unit na isa itong terroristic attack.
Isa sa nagulantang sa nangyari ay ang aktres na si Julie Hesmondhalgh dahil dinig na dinig niya ang pagsabog habang nanonood sa show ni Ariana.
Agad namang umalis ng stage ang “BangBang” hitmaker nang magkaroon stampede.
Samantala, pinaghahandaan naman ngayon ni Ariana ang kanyang comeback concert sa Pilipinas sa buwan ng Agosto ngayong taon.
Matatandaang taoing 2015 nang unang pinasaya ng sikat na singer ang kanyang mga fans dito sa Pilipinas.