Isang panukalang batas na nakaukol para sa mga senior citizen ng bansa ang isinusulong ni Quezon City Rep. Winston Castelo upang mabigyan ng P80,000 cash gift ang matatanda sa ika-80 kaarawan ng mga ito.
Nakasaad ito sa House Bill 6137 na inihain ni Castelo sa Kongreso na nagsasaad na ang karagdagang monetary incentive ay isang paraan para parangalan at kilalanin ang mga senior citizen sa naging kontribusyon nila sa nation building.
Sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa 6 na milyon ang matatandang nasa 60 anyos pataas.
Batay sa HB 6137, kasama sa ibinibigay na benepisyo at pribilehiyo sa mga senior citizen ay 20% discount at exemption sa value-added tax (VAT) sa mga ibinebentang produkto at serbisyo sa lahat ng establisimiyento.
Isasama na rin sa exemption sa pagbabayad ng individual income taxes ang mga senior citizen na kinokonsiderang minimum wage earners na nakapaloob sa Republic Act 9504.
Ibibigay rin sa mga ito ang pribilehiyong 5% discount sa monthly utilization ng tubig at kuryente at libreng medical at dental services.
Isa pang batas, ang Republic Act 10645 o “An Act Providing for the Mandatory PhilHealth Coverage for All Senior Citizens” ay nagbibigay naman sa mga nasa 60 anyos pataas ng benefi ts at discounts sa PhilHealth members.