Isinailalim na sa ‘hold and secure situation’ ang Davao City kasunod ng Maute attack sa Marawi City.
Ayon kay Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte, ito ay para maiwasan ang karahasan sa lungsod.
Sa ilalim ng ‘hold and secure status’ ng Davao City, hindi maaaring lumabas sa gabi ang mga menor de edad nang walang kasamang matanda.
Hinimok din ng alkalde ang publiko na gawin ang ‘buddy system’.
Nagbabala rin ang batang Duterte sa mga pagbibiyahe papunta at paalis ng Davao City lalo na kung hindi ito importante.
Sinabihan din ang mga turista na huwag nang magpunta sa mga lugar na hindi kabilang sa mga pangunahing tourist attraction sa lungsod.
Ipinakita rin nito ang watawat ng ISIS kasabay ng paghimok sa mga residente na ireport kung makakakita man ng nasabing logo.