Plano ng Department of Labor and Employment (DOLE) na limitahin ang pagpadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East.
Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, nakatanggap umano ito ng maraming sumbong mula sa mga Filipino household workers sa Middle East kaya matindi umano ang pagsaalang-alang nito na bawasan ang bilang ng pagpapadala ng domestic helper, OFWs, at skilled workers sa naturang rehiyon.
Isa ring dahilan upang limitahin ang pagpapadala ng mangagawa doon ay ang kakulangan ng mga skilled workers kabilang ang karpentero, electricians, at mga plumbers sa Pilipinas dahil nangingibang bansa mga ito kungsaan sila ay binabayaran ng mas malaking sahod.