Bumisita si Justice Secretary Vitaliano N. Aguirre II ng Department of Justice (DOJ) sa National Bilibid Prison (NBP) upang kumustahin ang mga presong nalason sa kinaing bangus. Ayon sa kalihim mahigit na isang libong mga preso ang nalason. Namigay din siya ng mga saging at Gatorade bilang pansamantalang lunas sa mga nalasong preso. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang naturang pangyayari. KUHA NI EDWIN C. RAMBOYONG