PINAS

Gilas Pilipinas nagpakitang- gilas sa SEABA

MATINDING performance ang ginawa ng Gilas Pilipinas sa mga laro nito sa Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Championships. Dahil dito, nangako si Franco Arsego, Australian coach ng bansang Singapore na panonoorin nito ang Gilas Pilipinas at Australia kapag nagharap ang dalawang bansa sa FIBA World Cup qualifiers sa Nobyembre.

Ipinahayag ng Aussie coach ang paghahandang panoorin ang FIBA matapos ilampaso ng Gilas ang Singapore sa ikalawang araw ng SEABA Championships, na may score na 113-66.

Pabiro pang sinabi na babawi o gaganti na lang siya sa FIBA qualifiers dahil posibleng magkasama sa grupo ang Gilas at Australia.

Sa isinagawang bunutan para sa FIBA World Cup Qualifiers kamakailan, kapag nanalo ang Pilipinas sa SEABA tournament ay makasasama sa grupo ang mga bansang Australia, Japan at Chinese Taipei.

Ang torneo ay may home-and-away format.