Tinapos na ng Golden State Warriors ang NBA Western Conference Playoffs nang ilampaso ang San Antonio Spurs sa iskor na 129-115.
Dahil sa ikaapat na sunod-sunod na panalo, umabante na ang Warriors para sa NBA finals.
Ang Warriors din ang kauna-unahang NBA team na mayroong 12-0 standing bago ang playoffs.
Nagposte ng 36 puntos si Stephen Curry habang 29 points at 12 rebounds naman ang iniambag ni Kevin Durant para sa Warriors.
Habang kumarta naman ng 15 points at 7 assists si Manu Ginobili Para Sa Spurs.
Makakaharap naman ng Warriors ang mananalo sa serye ng Cleveland Cavaliers at Boston Celtics.