Wala nang mararamdamang mga pag-ulang dala ng Southwest monsoon o haba gat dahil sa likas na pagbabago ng weather system sa mundo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ang hanging namamayani ngayon sa bansa ay ang easterlies o ang mainit-init na hanging nanggagaling sa Silangan na dumadaan sa ibabaw ng Dagat Pasipiko samantalang manaka-nakang umiihip ang malamig na hanging amihan o Northeast wind na nanggagaling sa
Siberia.
Ipinaliwanag ng mga climate analyst kamakailan ang malaking paghina ng hanging habagat nitong nakalipas na mga araw.
Naobserbahan din nila ang paglakas ng high pressure systems sa buong Asya, na kalaunan ay nagdudulot nang unti-unting pagbabago sa kalagayan ng panahon. Sinabi ng PAGASA na ang klima sa bansa ay nasa proseso ng pagbabago ng kalagayan na mararamdaman sa
mainit-init at mahalumigmig na easterly winds na nagmumula sa Pacifi c Ocean.
Ang pagbabago ng panahon ay magdudulot nang unti-unting pagsisimula ng Northeast monsoon season o amihan sa mga susunod na araw na may kapansinpansing paglipat sa direksiyon ng hangin patungo sa Northeast.
Ang amihan ay karaniwang nagsisimula sa katapusan ng Oktubre o sa unang bahagi ng Nobyembre at tatagal hanggang Pebrero.