Inaresto ng British police ang ika-labing anim na taong dawit sa pambobomba sa Manchester Arena noong nakaraang linggo.
Naaresto ang bente tres anyos na lalaki dahil sa hinalang may kaugnayan ito sa insidente.
Labing-apat pa ang nananatili sa kustodiya ng mga otoridad para imbestigahan habang ang dalawa naman ay pinalaya na.
Dalawampu’t dalawang katao ang nasawi dahil sa nasabing ‘terror attack.’