Sa aklat ng Genesis, ibinigay ng Diyos ang kapamahalaan sa tao sa tubig, sa lupa at sa lahat ng mga nilalang na may buhay sa kalupaan, sakatubigan maging sa mga nilalang sa himpapawid.
Ang kapangyarihang ibinigay ng Diyos sa tao upang pamahalaan ang kalikasan at kapaligiran ay naaayon sa kalooban ng Maykapal: Makatarungang magbibigay nang pantay-pantay na karapatan sa lahat ng tao na makikinabang sa yaman ng lupa at tubig.
Sa kasalukuyang panahon, ang tao rin ang namamahala sa kalikasan at kapaligiran. Kaya Diyos ang nangyayari ngayon sa mundo. Hindi napamamahalaan nang maayos at ganap ang kalikasan at kapaligiran.
Nakapananaig ngayon ang mga sakim at gahaman — mga makapangyarihan sa pakikinabang sa yaman ng lupa at tubig.
Nakalulungkot tanggapin ang pangyayari na ang lupang biyaya ng Diyos sa tao ay ilan pinakamasaklap sa lahat ay ang pangyayaring matapos pakinabangan nilang mayayaman ang lupa ay iniiwang wasak, said, butas-butas, nakatiwangwang at hindi na mapakikinabangan ng mga henerasyong darating.
Dito sa Pilipinas, maraming lugar ng minahan dito ang napabalitang nalapastangan ng mga minerong hindi nakatupad sa mga panuntunan ng batas-pangkalikasan at batas sa pagmimina.
Mismong ang kalihim ng Kagawaran ng Kalikasan at Kapaligiran na si Secretary Gina Lopez ang nagbunyag ng nangyayaring paglabag ng ilang mining companies sa environmental at mining laws. Ang naaapektuhan ng ganitong kalapastanganan ay ang mahihirap na Pilipino, mga katutubong naninirahan sa mga lugar ng minahan.
Paano pa makapagtatanim ang mga magsasaka kung ang mga lupang taniman ay naagusan na ng makapal na putik galing sa minahan at paano pa makapangingisda ang mga kababayan nating umaasa sa biyaya ng ilog at dagat kung ang mga lugar na kanilang pinangingisdaan ay puno na ng mga banlik at putik na umagos mula sa lagoon ng minahan?
Kamakailan lang, ibinasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang appointment ni DENR Secretary Lopez dahil sa kanyang ipinakikipaglabang adbokasiya laban sa iligal na pagmimina.
Pero ang matuwid ng ilang mining fi rms, hindi lahat ng mining companies ay iresponsable sa mining industry. Sumusunod naman daw sila sa batas-pangkapaligiran, maging sa batas ng pagmimina.
Kaya lang, bakit kailangang ibasura ng CA ang kumpirmasyon ni Lopez, gayong ipinatutupad lang niya ang batas? Hindi raw fit si Gina sa gayong posisyon. Bakit?
Kaya hindi maalis sa isipan ng ating mga kababayan ang magduda, kung bakit ang isang Cabinet secretary na may adbokasiyang pangalagaan ang likas-yaman at kapaligiran ng bansa ay mababalewalang lahat ang mabubuting nagawa.