PINAS

IRR sa free tuition fee

“Bakit kailangan pa nating hilingin ang isang bagay, na kung iisipin ay dapat na ibigay nang libre sa atin ng estado?”

Ganito ang hinaing ng isang estudyante sa University of the Philippines (UP) na si Bianca Guiang, 20 taong gulang, isang Social Work major ng unibersidad, sa panayam sa kanya ng pahayagang “Bulatlat” matapos maipalabas ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng free tuition policy (FTP), kamakailan.

Nitong nakaraang taon, malugod na tinanggap ng mga estudyanteng Pilipino ang ipinalabas na free tuition sa lahat ng state universities and colleges (SUCs) para sa academic year 2017-2018.

Bunsod ito sa pinagkaloob ng Kongreso na karagdagang badyet na P8.3 bilyon sa Commission on Higher Education (CHED) upang pondohan ang lahat ng 114 SUCs sa halip na mangolekta ang mga ito ng tuition fee mula sa 1.4 milyong estudyante.

Ayon sa 2017 General Appropriations Act (GAA) sa special provision on tuition collection, malinaw na inihayag na walang tuition na kokolektahin mula sa lahat ng SUC undergraduate students sa school year 2017-2018.

That’s purely for tuition, that’s purely to remove tuition from the student expenses,” pahayag ni CHED Chairman Patricia Licuanan.

“We cannot spend that P8 billion on anything else except to compensate the schools for the fact that they can no longer charge tuition,” dagdag niya.

Gayunpaman, inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang probisyon sa ilalim ng implementasyon na may kondisyon na aniya ay kailangang gawing prayoridad ang mahihirap ngunit karapat-dapat na mga estudyante.

Kaya malaking dismaya na lamang ng mga kabataan nang ipinalabas ng pamahalaan ang implementing IRR sa free tuition, na anila ay hindi garantiyang makikinabang sa libreng matrikula sa susunod na pasukan.

Dahil dito, nangangamba ang mga estudyante sa IRR na magiging hadlang sa kanilang makakuha ng libreng tuition dahil sa mahigpit na proseso at mga pangangailangan.

ANG SOCIALIZED TUITION SYSTEM

Sa ilalim ng naturang sistema, prayoridad sa libreng tuition ang mga estudyanteng tumatanggap ng Student Financial Assistance Program (StuFAPs) at sa mga nabibilang sa pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ang natitirang mga estudyanteng karapat-dapat ay ihahanay ayon sa kanilang per capita household income, na kagaya umano sa sistema ng Socialized Tuition System (STS) ng UP.

“Learning from the experience of the University of the Philippines, by subjecting students to a completion of ‘poorest of the poor’ to prove their worthiness, this has resulted to the edging out of the poor, by those coming from the upper/middle class who has relative capacity to comply with various requirements imposed by SUCs,” ayon kay Mark Vincent Lim ng National Union of Students of the Philippines (NUSP).

Ayon sa karanasan ni Guiang sa ilalim ng STS, kailangan umano niyang patunayan na dukhang-dukha ang kanyang pamilya upang makinabang lamang sa tuition subsidy ng UP.

Sa ilalim ng STS ng UP, kusang ilalagay ang mga estudyante sa Bracket A, na mangangahulugang magbabayad sila ng pamantayang tuition na P1,500 bawat yunit. Maaari umano silang makapag-aplay para sa diskuwento ngunit nakadepende ito sa kita ng kanilang pamilya at mga  pag-aari kabilang ang appliances at gadgets.

“Kapag mayroon kang limang Nokia 3310 cellphones, kanila itong idadagdag sa iyong asset,” aniya.

Sinabi ni Lim na maaaring samantalahin ng mga paaralan ang pagkakataon  sa ibang babayarin at mga gastusin nito upang mabawi ang kabawasan ng kita dahil saklaw lamang ng FTP ang babayaran sa matrikula sa SUCs.

“And since the FTP only covers tuition, students still need to shell out for other school fees (OSF) and expenses. Worse, SUCs administrations could take advantage of the FTP to hike OSF so as to compensate profit loses that will be incurred from the implementation of the policy,” aniya.

Nagbabala ang naturang grupo sa panggagaya sa income bracketing system sa buong bansa ay maghahantong ng pagtaas sa tuition kagaya umano ng nangyari sa UP.

“The formula to justify tuition increase is simple. First, the government will implement stringent requirements for student to prove that they are indeed poor. Next thing we know, universities increase their fees since most students will not be able to fulfill the requirements,” ayon kay Paul Soriano ng NUSP.

PAGSULONG SA UNIFAST

Isinulong naman ng tatlong tagapangasiwa ng ekonomiya kabilang si Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Domnguez III, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) bilang alternatibo sa iminungkahing batas sa tuition-free policy sa SUCs.

Anila, ang inimungkahing tuition-free policy sa SUCs ay makapagbenepisyo nang mas malawak sa hindi mahihirap na estudyante. Magiging isang mainam na batas umano ang UniFAST upang masigurong mas mahusay at epektibo ang paggamit ng mga pondo ng pamahalaan.

The proposed free-tuition policy will benefit largely the non-poor students who predominate in SUCs,” ayon sa tatlong opisyal.

“In 2014, only 12% of the students attending SUCs belong to the bottom 20% of the family income classified based on the Annual Poverty Indicators Survey.”

Ayon sa mga naturang opisyal, posible umanong magkaroon ng salungat na implikasyon ang across-the-board tuition-free policy gaya ng paglipat ng mga estudyante mula sa pribadong higher education institutions (HEIs) papunta sa SUCs na maaaring makaapekto sa pangkalahatang kalidad ng Filipino graduates, kung saan ay sinasabi nilang ‘a number of private HEIs perform better than SUCs.’

Sinabi anila na ang badyet na sumuporta sa libreng matrikula ay mahirap na mapanatili.

Anila, kapag ang national average tuition fee ng SUCs sa ilalim ng Students Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (SGP-PA) ay P20,000 bawat taon, kinakailangan ng pamahalaan ang pondong P28 bilyon upang masuportahan ang tuition-fee policy para sa tinatayang 1.4 milyong estudyanteng kasalukuyang nagpatala sa SUCs.

Dagdag pa anila, na ang matrikula ay hindi kabilang sa pinakamalaking bahagi sa halaga ng edukasyon ng kolehiyo sa bansa.

Kagaya na lamang umano sa SGP-PA, ang tuwisyon ay 30 porsiyento lamang o P20,000 ng taunang halaga ng P60,000 sa bawat estudyanteng nasa ilalim ng naturang grant. Ang ibang gastusin ay para sa pamumuhay at mga materyales ng estudyante.

Kahit na umano na aakuin ng pamahalaan ang tuition ng lahat ng mga estudyante sa SUCs, mananatiling hindi makakayanan ng mahihirap na pamilya ang gastusin sa pamumuhay ng kanilang estudyante at mga gastusin sa materyales na siyang mag-iiwas sa mga ito na pumasok sa kolehiyo.

“The government should implement its mandate of promoting quality and accessible education within the limits of fiscal prudence and with the use of appropriate tools and targeting mechanism,” anila pa.

Samantala, kasalukuyang nirerebisa ang IRR ng CHED matapos ang malawakang protesta mula sa mga estudyante sa iba’t ibang paaralan sa kolehiyo at nakatakdang ilabas ito bago ang pasukan sa Hunyo.