Dapat na nagtataglay ng mga katangiang matatag, may tiwala sa sarili at hindi agad sumusuko sa mga pagsubok ang isang job hunter, ayon kay Paul Rivera, CEO ng Kalibrr.
Ani Rivera, malaking hamon sa bagong graduates na naghahanap ng trabahong mapapasukan ang pagharap sa unang interview, lalo pa’t hindi pa ito nararanasan.
Ibinahagi ni Rivera na hindi naging madali para sa kanya ang pagkakamit ng tagumpay.
“I myself have failed 20 interviews in my lifetime. Sometimes some of the biggest interviews in my life, I didn’t end up getting those jobs, but I never gave up. I kept going and I learned from those failures and continued to go to those job interviews until I was finally successful enough to get a job in Google, which was the last company I was working for before I moved to the Philippines.”
“My advice to the Filipino here all over the country is to never give up, because it’s only when you give up that you lose in life. Even if you fail one interview, even if you fail two interviews, even if you fail three interviews, don’t give up. Keep trying, because if you give up what are you going to be doing otherwise? Are you just going to stay at home and not do anything or are you actually going to keep trying to change your life and change the opportunities that you have for yourself,” paliwanag ni Rivera.
Narito ang ilang paraan upang maging mabilis ang paghahanap ng trabaho:
- Maging aktibo sa social networking. Gamiting hakbang ang social networking upang maging matagumpay sa paghahanap ng trabaho. Bawasan ang oras sa paglalaro ng computer, bagkus ay gamitin ang maraming oras sa paggawa ng profile na may kaugnayan sa iyong karanasan sa pagtatrabaho, kasalukuyan at karera sa hinaharap. Gumawa ng Linkendin account, i-update ang propesyonal na blog araw-araw at sundan sa Twitter ang mga taong may kaparehas mong interes. Laging tandaan na walang maitutulong ang mga unprofessional social account pero ang professional social account ay magbubukas ng maraming pinto para sa pagkakaroon ng magandang karera sa buhay.
- Maghanap ng trabaho sa Twitter. Kapaki-pakinabang ang Twitter upang minu-minutong makapag-update sa personal na buhay ng iyong mga kaibigan at paboritong celebrity o kilalang mga tao kaya maaaring makatulong ito sa paghahanap ng trabaho. Sundan ang mga maimpluwensiyang tao sa iyong larangan sa Twitter, alamin mo kung ano ang mga nangyayari, sumali at makilahok sa mga propesyon kahit naghahanap pa lang ng trabaho — maaaring maging daan ito upang mahanap mo ang trabahong gusto mo.
- Gawing kapani-paniwala ang resume. Isang malakas na paraan ang social networking upang makuha ang mga kontak na iyong kailangan pero kailangan mo pa ring magpasa ng resume sa trabahong gustong aplayan. Tiyaking parehas ang update sa ipinadalang resume at sa resume na naka-post sa online. Ibigay ang pinakamagandang presentasyon sa iyong mga experience sa trabaho ang edukasyon.
- Maging aktibo kahit walang trabaho. Ang pagkakaroon ng lokal na koneksiyon ay magandang paraan para makahanap ng trabaho. Sumali sa lokal organizations sa inyong lugar, mag-volunteer sa mga gawain sa iyong komunidad. Gamitin ang iyong mga natutunan upang makatulong sa ibang tao. Dahil ang pagtulong na ginawa mo sa iyong komunidad ay maaaring maging dahilan upang mas maraming employer ang magtiwala sa iyo.
- Maghanap ng paraan upang maging eksperto. Kung wala ka pang ‘work experience’ na mailagay sa resume dahil katatapos mo pa lang ng kolehiyo, mag-isip ka ng mga bagay na maaari mong gawin sa iyong komunidad. Dumalo ka sa mga komperensiya at mga seminar upang makakuha ng sertipiko. Subukin ding magsulat ng blog. Mag-interview ng mga propesyonal sa iyong larangan, bisitahin ang mga lugar na may kaugnayan sa iyong interes at kurso, mag-ambag ng journal at blog sa grupo ng mga propesyonal sa online.
- Maghanap ng mga kumpanyang naghahanap ng freelancer para sa isang kontrata. Maaaring hindi ito ang trabahong pangmatagalan na gusto mo pero malaking tulong ito para magkaroon ng maraming karanasan sa pagtatrabaho.
Mga dapat gawin sa job interview:
- Maging magalang sa mga tao sa lahat ng oras, lalung-lalo na sa panahon ng iyong interview upang mas malaki ang tiyansang mapili sa inaaplayang trabaho.
- Siguraduhin na ang iyong sagot sa panahon ng panayam ay maikli at sumasagot sa tanong ng employer.
- Siguraduhin mong sinasagot mo ang tanong at hindi ka gumagawa ng mahabang kuwento.
- I-off ang cellphone. Hindi dapat na maramdaman ng iyong kausap na hindi ka interesado sa pinag-uusapan ninyo dahil busy ka sa pagsagot sa mga text at tawag sa iyo. Kung hindi puwedeng iwan ang cellphone sa bahay o sasakyan i-off o i-silent mode ito.
- Business attire ang pinakamagandang attire sa pag-aaplay sa trabaho (kaya para sa mga kalalakihan, walang khakis, maong o bukas ang kuwelyo).
- Huwag kalimutang magpasalamat. Kailangang gawin mo ang iyong mga ipinangako sa interview kahit walang nag-remind at nag-follow up sa iyo.