PINAS

 Kawhi Leonard, balik-hardcourt matapos ang injury

Maglalaro si San Antonio Spurs star Kawhi Leonard sa Game 6 ng NBA Western Conference Semifinals kontra Houston Rockets.

Matatandaan na na-injured ang kaliwang sakong ni Leonard sa Game 5 matapos bumagsak sa paanan nito si James Harden ng Rockets.

Hawak na ng Spurs ang 3-2 lead sa best-of-seven series matapos daigin ang Rockets sa overtime Game 5, sa score na 110-107.

Magaganap ang Game 6 sa Biyernes sa homecourt ng Rockets.