PINAS

Kris Bernal, pinagdududahan ang kagandahan

GANDANG pang-beauty queen ngayon ang peg ni Kris Bernal, malayung-malayo sa dating pa-tweetums na aktres at original loveteam ni Aljur Abrenica. Marami tuloy ang naghihinala na ‘salamat dok’ o niretoke ang byuti ng dalaga.

Matagal na rin nang huling napanood sa telebisyon si Kris via “Little Nanay.” At sa mga time na wala umano itong project or work ay nagparetoke ito, na mariin niyang pinabulaanan. Say ng aktres, walang niretoke sa kanyang katawan at ang lahat ay bunga umano ng kanyang regular na pagpunta sa gym at mahabang oras na pagwo-workout.

Dagdag na paliwanag niya, habang wala pa siyang regular show sa Kapuso Network ay naglaan siya ng mahabang oras sa gym at sa kanyang negosyo. Kaya kahit paano ay medyo nag-mature na rin ang kanyang aura.

“Siguro, ang masasabi ko na lang du’n, parang lahat naman tayo ay nawawala ‘yung taba kapag nagkakaedad tayo. At sa ating pagtanda ay umiimpis ‘yung mukha natin,” sabi pa ni Kris.

Kinarir daw niya talaga ang pagpapaseksi mula sa kanyang sexy pictorials hanggang sa upcoming soap  niya na “Impostora.” Bukod sa magandang katawan, kailangan din niya ng stamina para sa ilang oras na prosthetic make-up niya sa nasabing project.

Samantala, hindi pa man nagsisimulang ipalabas ang “Impostora” ay marami na ang kinikilig sa tandem nila ni Rafael Rosell. Pareho kasi silang single ngayon at hindi raw imposibleng magkadebelopan ang dalawa lalo’t pareho silang mahilig mag-workout.