Kahit aminadong powerhouse, hindi natitinag si Lebron James para harapin ang nba Western Conference Champ na Golden State Warriors sa NBA Finals.
Makakaharap ni James at ng kanyang team na Cleveland Cavaliers ang all-star studded lineup ng Dub Nation sa pangunguna nina: Stephen Curry, Klay Thompson, Kevin Durant at Draymond Green.
Dagdag pa ni Lebron, nakaharap na rin niya ang ilang powerhouse team noon gaya ng San Antonio Spurs at Boston Celtics.
Ang trilogy series ng Warriors at Cavs ang inaabangan ng mga basketball fans matapos ang nakakagulat na pagkapanalo ng Cleveland mula sa 3-1 deficit sa 2016 NBA Finals.