Itinurn-over na ni dating environment secretary Gina Lopez sa bagong-talagang kalihim na si Roy Cimatu ang pwesto sa DENR.
Sa kanyang farewell speech, sinabi ni Lopez na isang karangalan para sa kanya ang magtrabaho sa DENR sa nakalipas na sampung buwan.
Kinanta pa ni lopez ang Disney song na “Let It Go” sa nasabing turn-over ceremony.
Nagpasalamat naman si Cimatu kay Lopez sa aniya’y crash course patungkol sa “Environment Protection 101”.
Aminado si Cimatu na ikinagulat niya ang pagkakatalaga sa kanya bilang kalihim ng DENR.
Si Lopez ay aalis sa pwesto sa DENR matapos mabasura ang kanyang ad interim appointment ng Commission on Appointments.