Hindi tutol ang Land Transportation Office kung sususpindihin ang pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act.
Pero ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, ang kongreso lang ang may otoridad na ipasuspinde ang batas.
Ang naging trabaho lang aniya ng LTO ay ipaalam ang batas sa publiko.
Kinastigo rin ni Galvante ang mga umaalma sa batas dahil nag-react lang umano ang mga ito nang maipatupad na.
Umani ng batikos mula sa mga motorista ang pagpapatupad ng batas habang ang ilang mambabatas naman ay nagsabing sumobra ang interpretasyon ng LTO sa batas.