Sapat nang rason ang mga aberya sa MRT-3 para tapusin na ang kontrata nito sa maintenance provider na Busan Universal Rail Incorporated (BURI).
Ayon kay DOTr Undersecretary for Rails Cesar Chavez, matinding ebidensya ang araw-araw na pahirap sa mga pasahero at mga insidente ng pagkakadiskaril ng tren para ma-terminate na ang maintenance contract.
Nitong nakaraang buwan ay ipinag-utos ng DOTr sa Buri na ipaliwanag kung bakit hindi dapat ma-terminate ang kontrata nito.
Tiniyak naman ni Chavez na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng MRT-3 kung mate-terminate ang kontrata.
Ginawa na rin aniya ito ng DOTr sa light rail transit kung saan bumuo sila ng special order para sa maintenance transition team.