PINAS

Makati chief of police, 4 iba pa, sinibak 

Sinibak sa pwesto ni NCRPO Director Oscar Albayalde si Makati chief of police Senior Superintendent Dionisio Bartolome.

Ito ay kasunod ng pagkaka-aresto sa apat na mga tauhan nito dahil sa umano’y pagdukot at pangingikil sa isang magkasintahan.

Sinabik din sa pwesto ang hepe ng Makati Intelligence Unit na si Police Chief Inspector Oscar Pagulayan.

Una nang inalis sa pwesto ang mga tauhan nilang sina PO2 Harley Garcera, PO2 Clarence Maynas, PO1 Tim Santosy at PO1 Jeffrey Cañete na inireklamo ng robbery extortion at kidnapping.

Nakadetine ngayon sa Counter-Intelligence Task Force headquarters sa Camp Crame ang apat na pulis habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga ito.