Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang talakayin ang kasalukuyang humanitarian crisis sa Marawi City mula sa epekto ng madugong bakbakan ng pwersa ng mga sundalo at ng mga teroristang Maute group.
Nilinaw din ng pangulo na ang pagdedeklara niya ng Martial Law sa Marawi ay hindi para sa MILF, MNLF, o sa NPA kundi para supilin ang mga teroristang Maute. Kasama sa naturang pagpupulong ang ilang matataas na opisyal ng militar at ilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte. PRESIDENTIAL PHOTO