Malaki ang posibilidad ngayon na dito sa pilipinas, sa muling pagkakataon, gaganapin ang Miss Universe 2017.
Ito ay pagkatapos aminin ni Department of Tourism Secretary na si Wanda Teo na inalok silang muli ng Miss Universe Organization na mag-host ng nasabing pageant.
Ayon pa kay Teo, nasiyahan daw kasi ang mga organizers nang ginanap ang Miss U noong Enero ng nakaraang taon, kung saan kinoronahan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach si Miss France blang Miss U 2016.
As a matter of fact, ay tinalo nito ang Superbowl sa popularity.
At kung sa Pilipinas nga raw idadaos ang Miss U, ay kailangan daw na ang DOT mismo ang kumontrol sa event at kailangan pa nilang maghanap ng mga mag iisponsor para sa bonggang event na ito.
Sooner or later daw ay malalaman din natin kung dito nga sa Pilipinas ulit paparada ang mga nagagandahang pambato ng mga bansa para sa prestigious beauty pageant.
Sa ngayon ay tatlong beses ng naghost ang bansa para sa pageant, noong una ay noong taong 1974, sumunod ay noong taong 1994 at noong 2016 naman ang huli
Pambato naman ng Pilipinas si Bb. Pilipinas Rachel Peters para sa naturang kompetisyon.