Nasa labing-isa katao ang naitalang patay ng National Investigation Committee matapos ang isang araw na pananalasa ng malakas na bagyo sa Moscow.
Ayon kay Moscow Mayor Sergei Sobyanin nasa 40 katao naman ang humihingi ngayon ng agarang medical assistance.
Dagdag pa ni Sobyanin, daan-daang mga puno at debris mula sa mga gusali ang bumagsak at natabunan ang mga daan at metro railways.
Sinasabi naman na ang nasabing death toll ay siya ng pinakamataas sa loob ng 20 years sa bansa na dulot ng malakas na pananalasa ng bagyo.