Aprubado na sa House Committee on Population and Family Relations ang “Filipino Identification System Act” o mas kilala bilang national ID system.
Sa ilalim ng panukala, dapat ay mag-apply ang lahat ng mga Pilipino, maging ang mga nasa abroad, para makakuha ng national identification card.
Ang nasabing ID ay inaasahang magagamit sa lahat ng transaksyon sa gobyerno kabilang ang clearance application sa NBI at PNP.