PINAS

 NCRPO: Walang banta ng terorismo sa Kamaynilaan 

Walang banta ng terorismo sa metro manila sa ngayon.

Ito ang tiniyak ni NCRPO Director Oscar Albayalde sa gitna ng pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.

Pero ani Albayalde, nananatiling naka-full alert ang PNP at minomonitor din nito ang anumang banta.

Pinawi rin ni Albayalde ang pangamba ng publiko at sinabing manataling kalmado at mapagmatiyag.

Samantala, nagbabala na si Albayalde ng pagbabago sa security protocols sa mga susunod na araw.

Inaasahang madaragdagan ang checkpoints, inspections, at police visibility sa mga kalsada.

.