Nakaisip ng isang mabisang paraan ang mga residente sa Virginia upang maiwasang makalapit ang osong nagnanakaw ng mga basura sa pamamagitan ng isang malaki at tumatawang manikang clown.
Makikita sa video ang paglapit ng oso sa basurahan na may nakasabit na malaking manika na tila nang-aakit upang buksan ng naturang hayop ang takip ng basurahan.
Nang subuking buksan ng oso ang basurahan ay gumalaw ang mga paa at kamay ng manika at umilaw ang mga mata samantalang ito ay tumatawa, na ikinagulat naman ng oso dahilan upang ito ay kumaripas ng takbo.