Natatandaan pa ba ninyo ang mga panahong noong ang mga cellphone ay bibihira lamang? Sa kasalukuyan, napakahirap isipin ang isang mundong wala ng mga nabanggit na gadgets, lalo pa’t kahit saan ka lumingon ay makikita mo ang mga tao, na nakikipag-usap sa kani-kanilang mga cellphone, halos sa araw-araw. At ang rate, kung saan ay tinangkilik natin ang mga nasabing device — ay lubhang nakasosorpresa.
Pero sino nga ba ang nakaimbento ng mga cellphone?
Siyempre, babalik tayo sa kasaysayan nang inimbento ni Alexander Graham Bell ang telepono noong 1876. Pagkaraan niyon, noong 1900, Disyembre 23 sa Washington, DC, ang imbentor na nagngangalang Reginald Fessenden ay nakalikha ng isang hindi malilimutang imbensiyon: Ginawa niya ang kauna-unahang wireless telephone call. Siya ang kauna-unahang itrinansmit ang boses ng tao sa pamamagitan ng radio waves, na nagpadala ng signal mula sa isang radio tower patungo sa isa pa.
Samantala, sino naman ang hindi makatatanda sa Motorola, ang unangkumpanyang nagprodyus ng handheld mobile phone.
Noong Abril 3, 1973, nilikha ni Martin Cooper, isang Motorola researcher at executive ang unang mobile telephone call mula sa handheld subscriber equipment, kay Dr. Joel S. Engel ng Bell Labs, na isa niyang karibal.