Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagiging assistant secretary sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) ni Mocha Uson.
Ayon kay Duterte, hindi batayan ang mga nakaraang sexy performance ni Uson para madiskwalipika ito sa posisyon.
Sa katunayan, ayon sa pangulo, ay kanyang ideya na italaga si Uson sa PCOO.
Utang na loob din umano niya kay Mocha ang pagsuporta ng grupo nito sa kanya noong eleksyon.
Wala rin umanong problema kay Mocha dahil matalino ito at may “structured mind.”
Matatandaang inulan ng batikos ang pagkakatalaga kay Uson sa Palasyo.